I was the typical hopeless romantic - inlove sa idea ng love; isang certified emotera. Sabi nga nila dati, ako yung may malaking puso sa harap dahil ang buhay ko ay umiikot sa "love". Basta ok ang love life, kering-keri ko ang kahit ano, kahit gano ka problematic ang ibang aspeto ng buhay ko. Pero pag lovelife ang sira.. asahan mo.. good luck na ang iba pa.
But that was before. Pag nagkakaidad na at dumadami na ang mga nangyari sa buhay, nag-iiba din pala talaga ang pananaw sa mga bagay-bagay. Ngayon, kung kelan nasa marrying age na daw ako saka ako deadma lang kung ano na ba mangyayari sa kin - kung mag-aasawa ba ako o hindi. Para kasi kontento ako sa kung anong meron ako ngayon - single at hindi komplikado ang buhay. Though there were times na sobrang I missed having a company of someone, yet dahil sa mga friendship sa paligid, natatabunan din yun kalaunan.
Minsan, nagiging impatient ako. Pero dahil sobrang love ako ni God, He speaks through my heart, minsan through the persons or things that surrounds me. Parang nung isang araw, someone reminded me about my cover photo sa FB. Hanggat hindi daw ako decided to pursue singlehood (or ang pagmamadre to be specific) wag ko daw muna papalitan yung cover photo ko. Pero pag nakita nya daw na naging cloud na yun, alam na nya kung ano pinili ko.
Sabi ng nabasa ko, "all the the wrongs persons you've met along the way leads you one step closer to the right one." And I believe this one. I pray that God will fulfill the desires of my heart. Alam ko minsan nagiging impatient ako or nagdoubt if He will grant my prayers. Pero pag nahihimasmasan, I remind myself that when I decided to surrender everything back to the Lord that includes the stubborn heart of mine, and Sya na ang bahala gumalaw at magmaneho sa buhay ko. Matagal ko yun pinagkait sa Kanya pero now in complete surrender, I'm letting God's will happen in my life.
True love waits. At kung sino ka man, excited na kong dumating ka sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment