Wednesday, January 16, 2013

Panaghoy

nasan ka na kaya?
sino ka ba talaga?
darating ka pa ba?
o lumagpas ka na?

marami na'ng nagdaan..
isa ka na ba sa kanila?
sino ka ba sa kanila?
pano ko malalaman kung ikaw na nga?

sawimpalad ba talaga?
o sadyang mainipin lang?
o baka naman bulag?
o di kaya'y manhid pala..

mga katanungan..
tila mailap ang kasagutan..
masasagot pa nga ba?
o baka nga hindi na..