Tuesday, June 11, 2013

Realizations..

Proverbs 3:5-6

5 Trust in the Lord with all your heart
    and lean not on your own understanding;
6 in all your ways submit to him,
    and he will make your paths straight.

Thank you so much Lord. Now I learned why hindi lahat ng gusto ko kailangan Mo ibigay. Dahil hindi pala iyon makakabuti para sa akin. Masyado mo akong mahal para lang bigyan ako ng "pede na". Hindi mo ako hinayaan na magkasya na lang sa kung anong meron. Dahil may mas malaki kang regalo na nakahanda para sa akin.. yung "the best" at akmang-akma para sa 'kin. Kaya pala ganun na lang ang pagkatanggi-tanggi mo sa hiling ko. Kahit na ilang beses na kita iniyakan.. ilang beses na ko nangulit.. kahit nagtampo na ko sa'yo ng paulit-ulit, yet, pinanindigan mo na, "Anak, hindi sya para sa'yo." 

Pasensya na po kung sa maraming pagkakataon napakatigas ng ulo ko. Sa hinaba-haba ng panahon na nagkukulitan tayo tungkol sa bagay na ito, hindi Ka nagsawa na ipaunawa sa akin na kaya hindi mo binibigay yung hiling ko ay dahil hindi iyon ang hinanda mo para sa akin. You know the desires of my heart, at tanging Ikaw lang ang makakapag puno niyon. Sa pagkakataon na ito, naintindihan ko na. Masakit man, pero alam ko kailangan ko ng magpatuloy at tuluyang tanggapin na hindi ito para sa akin. Na ang mga ala-alang baon-baon ko kahit saan man ako magpunta, sa pagkakataon na ito, kailangan ko ng iwan at pakawalan.

Aaminin ko, halu-halo ang pakiramdam ko sa mga oras na ito, panghihinayang, inis, lungkot, tuwa. Maraming tanong, maraming bakit. Puro tanong, pero puro walang sagot. Pero isa lang ang sigurado ako, in His time, sasaya ulit ako.