Tuesday, October 30, 2012

Di Na Mauulit

Totoo pala yung sinasabi nila na "minsan ka lang magmamahal sa buhay mo." Dahil kapag nakita mo na yung pagmamahal na yun sa isang tao, hindi na yun pedeng maulit sa kaparehong intensidad o kaparehong degree sa panibagong tao. 

Ang gara, pero totoo pala talaga na minsan ka lang magmamahal ng ganun katindi at di na yun mauulit at hindi mapapantayan o malalagpasan. Kumbaga, pag dumating na yung minsan na iyon sa buhay mo kung saan naging todo bigay o todo pato ang ginawa mo para sa pagmamahal na iyon, at kung sakali na hindi iyon nagtagumpay sa maraming kadahilanan, kung iibig ka mang uli, hindi mo na mararamdaman yung ganung klaseng pakiramdam na naramdaman mo duon sa minsang iyon. Magulo ba? Oo maski ako naguluhan. Pero dahil dun napatunayan ko, na mahirap na nga na magmahal ako ulit ng ganun, at hindi ko na ulit magawa pang magmahal ng tulad nuon.

Kaya naisip ko, pano kaya kung wag na lang ako magmahal ulit? Dahil dun sa "minsang" pagmamahal na iyon, di na ko naka move-on. Nawala na sya pero naiwan pa din ako kung saan kami naghiwalay. Swak sa balde yung kantang "The Man Who Can't Be Moved" sa kung ano yung sitwasyon ko. Ewan ko ba! Ilang beses ko na sinubukan na magmahal ulit, magkaron ng panibagong buhay na malayo sa anino ng kahapon na iyon, ngunit lagi na lang akong bigo. Sa sobrang lalim ng hukay na nagawa nya sa buhay ko, kahit ilang truck na ng lupa ang itinambak ko, di pa din nito magawang takpan ang butas na ginawa nya sa buhay ko. Mahirap ba talaga lumimot? Kahit na yung tao na iyon ay sinaktan ka lang at pinaasa sa maraming pagkakataon? Tuloy, sa bawat taong hinahayaan kong pumasok sa buhay ko, sa pag-aakalang kaya ko magmahal ulit, nakakasakit lang ako. Dahil di maglalaon, muli na naman akong hahabulin ng aninong pilit ko ng kinalimutan. 

Masaya ako na masaya na sya kung nasan man sya ngayon, kahit na ako, eto, patuloy pa ding hinahanap yung katahimikan at kakuntentuhan na matagal ko ng inaasam. Minsan pag nabuburyong ako, gusto ko sya sumbatan na bakit kasi hindi sya bumalik nun panahon na pinaglaban ko sya, e di sana, kami ang masayang magkasama ngayon. Pero pag nahihimasmasan ako, sinasabi ko na lang sa sarili ko na siguro nga, hindi talaga kami ang magkapalad. Wala eh, ganun ata talaga. Magmamahal tayo either sa maling tao o sa maling pagkakataon, at minsan sa parehong sitwayon na ito. 

So pano na ngayon? Saan na naman ako pupulutin? Maglalakad na naman ba ulit ako palayo? Pipiliin ko na naman ba ulit mag-isa? Ewan. Hindi ko alam. 


No comments:

Post a Comment