Bakit nga ba may mga pagkakataon na hindi nangyayari kung anuman ang gusto natin mangyari. Na yung mga pinaplano natin hindi natutupad. Na akala natin..madali lang, pero mahirap pala. Na akala natin matutupad kung anuman yung inaasahan natin, yun pala lilipas lang ang mga araw na hindi yun magaganap. Nakaka-frustrate, nakaka-depress, pero kelangan magpatuloy ang buhay sa kabila ng lahat ng mga kabiguan na to.
Naramdaman mo na ba na sa tingin mo ginawa mo na lahat pero parang wala naman nangyari? Yung umasa ka pero dahil sa mga bagay-bagay, hindi nangyari yung plinano mo? Na parang, "You're not good enough"? Sa kabila ng lahat ng pagsusumikap mo, parang unti-unti pa ding nawawala lahat? Na parang wala naman kinahinatnan mga paghihirap at pagtitiis mo?
Pinangarap ko na pag nakatapos na ako, hindi na magtratrabaho ang nanay ko at ako na lang ang magtataguyod sa aming pamilya. Ulila na ako sa ama, walang mga kapatid at nakikipisan lng sa mga kamag-anak. Wala kaming sariling bahay, ngunit sa kabila ng mga ito, naitaguyod ako ng nanay ko para makapagtapos ng pag-aaral. Hindi ko binigo si nanay, nagsikap ako mag-aral at nakapagtapos di kalaunan.
Nung nakapagtapos ako nakapagtrabaho, akala ko mairaraos ko na ang buhay namin sa hirap.Tulad ng ibang bagong nagsipagtapos, nag umpisa ako bilang clerk na sumusweldo ng minimum wage. Sa umpisa ang sarap ng pakiramdam na kumikita na ng pera at nakakatulong sa pamilya. Ngunit nun ko lang napagtanto na hindi pala talaga madali kumita ng pera. Nun ko naunawaan ang totoong halaga ng pera. Sumubok din ako lumipat sa ibang kumpanya sa pagbabakasakali na madagdagan ang mga kaaalaman at karasanasan sa trabaho na kinakailangan ko para mapaghusay ang aking sarili sa aking propesyon. Ilang taon din ang binuno ko para makuha ang respeto at paggalang kinakailangan upang makakuha ang magandang posisyon sa kumpanyang pinapasukan ko. Ngunit, sa ilang kadahilanan, kailangan ko ding iwan ito at maghanap ng ibang mapapasukan.
Di naglaon, nagkaron ako ng oportunidad na makaalis at magtrabaho sa ibang bansa. Sa totoo lang, hindi kalakihan ang sweldo ko, pero pinatos ko na din. Sabi ko, "experience lang" saka 2 years lng ako. Akala ko madali, pero nun nakaalis na ko, dun ko napatunayan na mahirap pala talaga ang buhay ng OFW. Kailangan tiisin yung emosyonal na paghihirap ng loob dahil sa pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang buhay sa ibang bansa ay parang robot, gigising sa umaga, mag-aayos para pumasok, sasabak sa trabaho, uuwi, kakain , matutulog. Tuwing sweldo, dun lang makakapunta ng mall para magpadala ng pera sa pamilya, yun lang din ang pagkakataon para makapamili ng pagkain pang isang buwan. Budget kung budget. Kung alam lang ng mga pamilya natin sa pinas na tinitipid din natin ang mga sarili natin para lang makapagpadala ng malaki. Na hindi laging masarap ang ulam, na hindi puro shopping at pasyal ang buhay ng OFW. Siguro para sa mga sinuwerte na makapasok sa mga employer na malaki talaga magpasahod, magagawa nila ang mga ganun bagay. Pero para sa mas nakararaming OFW na pumayag malayo sa pamilya para sa di kataasang sweldo, bawat kusing ay hindi basta ginagasta.
Siguro isa sa pinagsisisihan ko, yung di ako nakapag-ipon. Dahil sa kagustuhan ko na makapagbayad agad sa mga utang namin, tinodo ko agad ang padala kada buwan para pambayad sa mga utang at hindi pinilit maglaan ng budget para sa "savings". Puro saka na lang, pag nakabayad na sa mga utang. Naka dalawang taon ako mahigit ngunit di pa rin ako nakakatapos magbayad ng utang at hindi pa rin nakakaipon ng biglang magkasakit ako. Napagpasyahan ko ng umuwi na lang at magpatingin ulit dito sa pinas dahil hindi ako kampante sa mga doktor duon. Tama nga yung mga galing ng bakasyon at nagtitiis pa rin ng ilang taon sa abroad, mahirap ang buhay sa pinas. Makailang ulit ko pinag isipan ang desisyon ko na umuwi na upang dito magpatingin at magpagaling. Umaasa ako na bago maubos ang dala kong quitclaim, makakahanap ako agad ng trabaho na syang di nangyari.
Magdadalawang buwan na ko mula ng dumating ako dito sa pinas, pero wala pa din akong trabaho. Sa mga panahon na ito, naisanla ko na ulit yung alahas na hinango namin pagdating ko, at nasimot ko na din yung perang dala ko. Ilang araw mula ngayon, hindi ko na alam kung saan na namin kukunin ang panggastos sa pang-araw-araw. Sinisisi ko sa sakit ko kung bakit hindi ako matanggap sa trabaho. Sinisisi ko din sa pagiging pihikan ko sa pag-apply sa mga kumpanya at hindi yung sa kahit ano na lang. Gusto ko kasi makahanap ng trabaho na sa tingin ko dun na ko tatagal, yun bang "worth it" pagbuhusan ng pagod at pagsisikap. Pero parang habang naghahanap ako ng ganun, mas nahihirapan ako makakuha ng trabaho.
Ewan ko ba, pero siguro naghahanap lang ako ng mapagbabalingan sa sitwasyon ko ngayon. May sakit, walang pera, walang trabaho! Pakiramdam ko, walang saysay lahat ng mga ginawa ko para magkaron ng mas maayos na buhay. Pakiramdam ko, kulang pa yung mga pagsisikap ko, na "I'm not good enough".
Sana bukas, may magandang resulta na yung mga inaplayan ko. Kung hindi bukas, sa isang araw. Kung di sa isang araw sa susunod pang linggo. Basta, hindi ako hihinto, dahil hindi naman hihinto ang mundo para lang sumabay sa mga kabiguan ko...

No comments:
Post a Comment