Ang Tanda ng Krus
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo; sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masasama. Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama,at sa Anak, at sa Espiritu Santo.Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasa-lanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Halina Espiritu Santo
Halina Espiritu Santo, Ikaw ang unang handog ni Jesus nang muli siyang mabuhay. Ikaw ang sinugo Niya upang gabayan kami sa aming pang-araw-araw na pamumuhay bilang mga alagad niya. Halina sa amin, Espiritung banal. Punuin mo kami ng Iyong liwanag, pagmamahal at lakas upang isagawa namin ang mga balak ni Jesus para sa aming kapaligiran. Pumasok ka sa puso ng lahat upang maunawaan nila ang kanilang mga tawag bilang Kristiyano at nang sa gayon ay sabay-sabay naming maitayo ang Kaharian ni Jesus. Amen.
Aba Po Santa Mariang Hari
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan, pag-asa't katamisan; aba pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. O magiliw, mahabagin, matamis na Birheng Maria.
Angelus
V. Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria
R. At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria……
V. Narito ang alipin ng Panginoon.
R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.
Aba Ginoong Maria…
V. At ang Verbo ay nagkatawang tao.
R. At nakipanayam sa atin.
Aba Ginoong Maria…
V. Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.
Manalangin Tayo:
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasyon at pagkamatay niya sa krus, pakinabangan namin ang biyaya ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
O Reyna ng Langit
(Dinirasal tuwing Pasko ng Pagkabuhay)
V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!
V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
V. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!
Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Jesukristong Panginoon namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan. Amen.
Pagsisisi
O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap ng impiyerno, ngunit lalo pa't ang kasalananay nakakasakit sa kalooban mo, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang parusang hatol at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong buhay. Amen.
Isang Pagsampalataya
O Diyos ko, ako'y naniniwalang matibay sa mga banal na katotohanan na itinuturo at sinusunod ng Iyong Simbahang Katolika sapagkat ikaw ang pinagbuhatan na wala kaming pag-aalinlangang kaunti man.
Isang Pag-asa
O Diyos ko, umaasa ako sa Iyong walang katapusang awa at mga pangako, at inaasahan ko ang kapatawaran sa aking mga kasalanan, ang Iyong mga biyaya, at ang buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon at Mananakop.
Ang Pag-ibig
O Diyos ko, Ikaw ay iniibig ko nang higit sa lahat ng bagay, ng buong puso ko at kaluluwa, sapagkat lubos ang iyong kabutihan na dapat ibigin ng lahat. Iniibig ko rin ang kapuwa ko katulad ng pag-ibig ko sa sarili, dahil sa pag-ibig ko sa Iyo. Pinatatawad ko ang lahat na nagkasala sa akin, at humhingi naman ako ng tawad sa lahat ng aking pinagkakasalahan.
Mga Dasal Bago at Pagkatapos Kumain
Dasal Bago Kumain: Bendisyunan Mo kami, Diyos ko at sampu nitong mga biyaya Mong ito na aming kakanin, na pawang galing sa dakila Mong kabutihan, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin.
Siya Nawa.
Dasal Pagkatapos Kumain:
Pinasasalamatan ka namin, O Diyos na makapangyarihan, sa tanang biyayang ipinagkaloob Mo sa amin, O Diyos na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan. At ang mga kaluluwa ng nangamatay sa kabanalan, sa awa at tulong ng Diyos ay tumahimik nawa sa kapayapaan. Siya Nawa.

Halaw sa:
http://www.bibleclaret.org/Pandesal/2008/banner/dasal.htm
Mercado, Miguel M., (1968) Ang Aking Aklat ng Pagsasanay sa Gawang Kabanalan. Oroquieta, Manila: Arnoldus Press, Inc.
No comments:
Post a Comment