Saturday, October 13, 2012

Panalangin sa Umaga

Sa ngalan ng Ama at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Isang Paghahandog. - Inihahandog ko sa Iyo, Oh Diyos ko, ang lahat ng aking mga panimdim, wika, gawa at mga tiisin; at isinasamong hulugan Mo ako ng Iyong grasya, upang huwag akong magkasala sa Iyo sa araw na ito, at nang ako ay makapaglinkod sa Iyo nang tapat at masunod ang loob Mo sa lahat ng bagay.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Sumasampalataya
Aba Po Santa Mariang Hari
Pagsisisi
Isang Pagsampalataya
Isang Pag-asa
Ang Pag-ibig

Kami'y napaaampon sa iyo, O mahal na Ina ng Diyos! Lingapin mo ang aming pagdating sa iyo sa loob ng aming mga kasalatan, at tulungan mo kami na maligtas sa lahat ng panganib, O Birheng pinagpala at lubhang marilag!

Pagpalain nawa kami ng aming Panginoon, at iadya sa dilang masasama, at bigyan kami ng buhay na walang hanggan; at sa awa ng Diyos ay ang kaluluwa noong mga namatay ay matahimik. Siya Nawa.

No comments:

Post a Comment