PAMAMARAAN NG PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO
1. Mag-antanda; sabihin ang mga Panimulang Panalangin at ang Sumasampalataya.
2. Dasalin ang Ama Namin.
3. Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria para sa karagdagang Pananampalataya, Pag-asa, Pagkakawang-gawa.
4. Dasalin ang Luwalhati.
5. Ipahayag ang Misteryo.
6. Dasalin ang Ama Namin at isusunod ang sampung Aba Ginoong Maria.
7. Dasalin ang Luwalhati at ang Panalangin ng Fatima.
8. Ipahayag ang susunod na Msteryo at ulitin ang hakbang bilang 6-7.
9. Dasalin ang Aba Po Santa Maria.
10. Isunod ang Litanya ng Mahal na Birhen.
11. Dasalin ang Pangwakas na Panalangin.
MGA PANALANGIN SA PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO
Pag-aantanda ng Krus
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen!
Panimulang Panalangin
Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
N: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.
L: At purihin ka ng aking bibig.
N: Diyos ko, tulungan mo ako.
L: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.
N: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
L: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen!
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon magmumulang paririto't huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Ama Namin
Ama Namin, Sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasa-amin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin; at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen!
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen!
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen!
Panalangin ng Fatima
O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong awa.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Aba Po Santa Mariang Birhen
Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa,ikaw ang kabuhayan at katamisan, aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin, ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ay ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Ang Litanya ng Mahal na Birhen
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit,
maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo,
maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos,
maawa ka sa amin.
Santa Maria,
*Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos*
Santang Birhen ng mga birhen*
Ina ni Kristo*
Inang puspos ng biyaya ng Diyos*
Inang kalinis-linisan*
Inang walang kamalay-malay sa kasalanan*
Inang kasakdal-sakdal*
Inang walang bahid*
Inang pinaglihing walang kasalanan*
Inang kaibig-ibig*
Inang kahanga-hanga*
Ina ng Laging Saklolo*
Ina ng mabuting kahatulan*
Ina ng Maylikha*
Ina ng Mananakop*
Ina ng Banal na Iglesya*
Birheng kapaham-pahaman*
Birheng dapat igalang*
Birheng lalong dakila*
Birheng makapangyarihan*
Birheng maawain*
Birheng matibay na loob sa magaling*
Salamin ng katuwiran*
Luklukan ng karunungan*
Simula ng tuwa namin*
Ssidlan ng kabanalan*
Sisidlan ng bunyi at bantog*
Sisidlang bukod ng mahal na loob na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos*
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga*
Tore ni David*
Toreng garing
Bahay na ginto*
Kaban ng tipan*
Pinto ng Langit*
Talang maliwanag*
Mapagpagaling sa mga maysakit*
Tanggulan ng mga kasalanan*
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati*
Mapag-ampon sa mga Kristiyano*
Reyna ng mga Anghel*
Reyna ng mga Patriarka*
Reyna ng mga Propeta*
Reyna ng mga Apostol*
Reyna ng mga Martir*
Reyna ng mga Kumpesor*
Reyna ng mga Birhen*
Reyna ng lahat ng mga Santo*
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal*
Reynang iniakyat sa langit*
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo*
Reyna ng kapayapaan*
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,
Pakinggan mo po kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan,
Pakapakinggan mo kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit,
Kaawaan mo kami.
Manalangin Tayo
O Diyos na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo po, isinasamo namin sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
N: Sumaatin nawa ang banal na pagtulog.
L: Amen.
N: Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao sa awa ng Diyos.
L: Amen.
N: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo, lumukob nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.
L: Amen.
Ang mga Misteryo ng Tuwa
(Tuwing Lunes at Sabado)
1. Ang Pagpapahayag ng Balita sa Mahal na Birheng Maria
2. Ang Pagdalaw nng Mahal na Birhen kay Elisabet.
3. Ang Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.
4. Paghahandog ng Sanggol na si Hesus sa Templo.
5. Ang Pagkatapo ng Batang si Hesus sa Templo.
Ang mga Misteryo ng Liwanag
(Tuwing Huwebes)
1. Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Jordan.
2. Ang Sariling Pagbubunyag ni Hesus sa Kasalan sa Cana.
3. Ang Pagpapahayag ni Hesus Tungkol sa Paghahari ng Diyos sa Salita at Gawa
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor
5. Ang Pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya
Ang mga Misteryo ng Hapis
(Tuwing Martes at Biyernes)
1. Ang Pagdurusa sa Halamanan ng Getsamani
2. Ang Paghahampas sa ating Panginoon sa Haliging Bato
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
4. Ang Pagpapasan ng Krus Patungong Kalbaryo
5. Ang Pagpapako sa Krus at Kamatayan ng Panginoon
Ang mga MIsteryo ng Luwalhati
(Tuwing Miyerkules at Linggo)
1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoon
2. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon.
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Birheng Maria
4. Ang Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birhen, Kaluluwa pati Katawan
5. Ang Kaluwalhatian ng Lahat ng mga Banal, Kasama si Maria bilang Reyna

No comments:
Post a Comment