Monday, December 31, 2012

Happy New Year!


Just been to a place that we used to be..
In a glimpse, our memories flashback instantly..
A sudden gush of emotions enveloped me for a moment
Pulling me back to those days..
I was frozen where I am.. 
I felt a tiny pain yet I can't help to smile..
Despite all the painful things happened to us..
I cannot deny the fact 
That those days with you..
Are happiest moment of my life..

*sigh*

Now I'm starting to miss you again..

I just wonder..
Are you also thinking of me when I'm thinking of you?

Then my phone rang.. #@%!

It's still a Happy New Year to me after all.. :)

Sunday, December 9, 2012

Alam Kong Kasama Ka by Fr. Mimo Perez


Nais kong samahan mo ako sa awit na hinabi ng panahong ating pinagsamahan
Tulad no'ng pagsama- sama kahit kay bigat ng dinadala
Nagagawa pa ring kumanta't tumawa

Refrain:
Di natin namalayan sa panahong nagdaan;
Sa biruan man o tampuhan, tuloy pa rin at walang iwanan.

Chrorus:
Mula ng tanggapin natin ang bawat isa
Isang bagong lakas ngayo'y ating nadarama.
Dahil sa isa't isa'y wala na ang kaba
At hamon man ay mag-iba
Alam kong kasama ka..

May ilang nagtataka, san nagmumula ang ating saya?
Katulad din naman tayo ng iba
Ang hindi nila alam may pangarap na inaasam
Hinahabi't pinagsasaluhan

Repeat Refrain
Repeat Chorus 2x

Alam kong kasama ka (3x)

Sunday, November 18, 2012

Reality Bites


A sudden prick in the heart.. :( it's true.. reality bites at the least you expect it..

I must admit, it still hurts.. even if I don't have the reason nor the  right to react like this.

I must admit, I never moved on, and I never let go. 

I know, I'd been a coward, not strong enough to fight for what I feel.

*Sigh* 

Finally, as I see it, our story already ended.

As you finally decided to enter a new sequel of your life, 

Without me and apart from me.

Maybe it also time for me to think about moving on,

In its truest sense.

I hope I could find that courage.. 

*Sigh*










Saturday, November 10, 2012

Faith and Obedience

I grew up from a family that is just earning enough to sustain its everyday needs. My mother is the solely bread winner of the family; she accepts made to order dresses, uniforms and if lucky enough, bridal entourage or designer's gowns. We are the typical, "isang kahig-isang tuka", but inspite of that, my mother values my education. She did everything just to make me into college and earn a degree.

As I look back on what my family had been through, I realized how God never failed to keep his promise. I remember how by chance that a relative gave a sum of money when we don't know how we will pay for my tuition fee; when suddenly a neighbor shares a food when we don't have any on our table. I remember that on these occasions, we always pray for God's blessings and indeed the answers came right away. There are times that his answer requires a form of action on our part. What we need is to obey and trust his will.

I remember a story from 1 Kings 17:10-16: In those days, Elijah the prophet went to Zarephath. As he arrived at the entrance of the city, a widow was gathering sticks there; he called out to her, “Please bring me a small cupful of water to drink.” She left to get it, and he called out after her, “Please bring along a bit of bread.” She answered, “As the Lord, your God, lives, I have nothing baked; there is only a handful of flour in my jar and a little oil in my jug. Just now I was collecting a couple of sticks, to go in and prepare something for myself and my son; when we have eaten it, we shall die.” Elijah said to her, “Do not be afraid. Go and do as you propose. But first make me a little cake and bring it to me. Then you can prepare something for yourself and your son. For the Lord, the God of Israel, says, ‘The jar of flour shall not go empty, nor the jug of oil run dry, until the day when the Lord sends rain upon the earth.’ ” She left and did as Elijah had said. She was able to eat for a year, and he and her son as well; The jar of flour did not go empty, nor the jug of oil run dry, as the Lord had foretold through Elijah.

“Faith is the step between promise and assurance.  Miracles seem so out of reach for our feeble faith.  But every miracle, large or small, begins with an act of obedience.  We may not see the solution until we take the first step of faith.”




Sunday, November 4, 2012

Panalangin sa Paluklok Hari

PUSO NI HESUS - (CORAZON SANTO)

Puso ni Hesus maghari Ka
Sa aming diwa't aming kaluluwa
Mga Kristiyano ating purihin
Ang Poon natin ay sambahin
Tulad sa langit tayo'y umawit
Sa Diyos ng awa at pag-ibig (2x)

Puso ni Hesus maghari Ka
Sa aming diwa't aming kaluluwa

ANG LABINDALAWANG PANGAKO NG PUSO NI HESUS
Kay Sta. Margarita Maria ukol sa mga kaluluwang namamanata sa Kanyang Mahal na Puso

1. Pagkakalooban ko ng lahat ng biyayang kailangan ng kanilang kalagayan.
2. Pagkakalooban ko ng kapayapaan ang kanilang mga tahanan.
3. Aaliwin ko sila sa lahat ng kanilang kalumbayan.
4. Ako ay magiging tunay nilang sadlakan sa buhay lalo na sa oras ng kamatayan.
5. Pagpapalain ko ang lahat nilang mga gawain.
6. Ang makasalanan ay makatutuklas sa Aking Puso ng dagat ng walang hanggang awa.
7. Ang mga matatamlay na kaluluwa ay mag-aalab sa pananaumtim.
8. Ang dating maalab ay lalung magniningas sa mataas na kabanalan.
9. Bebendisyunan ko ang lahat ng pook na doon ay natatanghal at dinadakila ang larawan ng  
    Aking Mahal na Puso.
10. Pagkakalooban Ko ng init ng diwa ang mga Sacerdote upang mapalambot ang lalung 
       matigas na puso. 
11. Isusulat ko sa Aking Puso, upang doon ay di na maktkat kailanman, ang lahat ng 
      nagpapalaganap ng debosiyong ito.
12. Ang bawat makinabang sa siyam na unang Biyernes ng buwang sunud-sunod ay 
      pagkakalooban ng makapangyarihang pag-ibig ng Aking Puso ng biyaya upang  
      makapanatili sa grasya ng Diyos hanggang wakas at hindi mamamatay kundi 
      makatanggap muna ng mga sakramento. Ang Aking Mahal na Puso ay magiging tiyak na 
      takbuhan nila sa kanilang huling sandali.


SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga  kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.


PAGHAHANDOD NG ANGKAN SA MAHAL NA PUSO NI HESUS
Oh Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, Kayo po ang nagpahayag sa mapalad na si Margarita Marian, na Inyo pong nasa na maghari sa mga angkang Kristiyano. Kaya masdan po ninyo kami ngayon, na natitipon sa Inyong harapan upang ipakilala at ilathala ang Inyong buong kapangyarihan sa amin. Ibig po namin na magbuhat ngayon at magpakailanman ay mamuhay kami ng Inyong buhay. Iniibig din po namin na sa sinapupunan ng aming angkan ay mamulaklak ang kabanalan na sa pamamagitan niya'y ipinangako Ninyo ang kapayapaan sa lupa, gayon din po naman ilayo sa amin ang maka mundong hilig.


Kayo po ang dapat maghari sa aming mga pag-iisip sa pamamagitan ng katapatan ng aming pananampalataya at sa aming mga puso na nangag-alab sa pagsinta lamang sa inyo, at pipilitin naming panatilihing buhay ang ningas na ito sa malimit na pagtanggap ng kamahal-mahalang, "EUCHARISTIA." Marangalin Mo po, Oh Kasantu-santuhang Puso ni Hesus, na panguluhan ang  aming mga pagtitipon, bendisyunan nag aming mga panukala, maging sa kaluluwa o sa katawan, ilayo ang mga ligalig, pakabanalin ang aming mga kasayahan at aliwin sa aming mga dalamhati. Kung mayroon man sa amin na nasa kasawiang palad na magkasala sa Inyo ay ipaalala Mo po sa kanya, Oh Puso ni Hesus, na kayo ay magaling at maawain sa mga makasalanang pagbabalik loob. At pagdating ng oras ng paghihiwa-hiwalay, at nag kamatayan ay dumalaw upang mag-iwan ng dalamhati sa aming tahanan, kaming lahat, yaong mga nagsialis at ang mga naiwan ay aayon sa Inyo pong mga utos na walang hanggan. Isang bagay o isang alaala ang nakaaaliw sa amin at ito ay darating ang isang araw na ang buong angkan namin ay muling magkakapisan-pisan sa langit, at magsisiawit ng Inyo pong kaluwalhatian hanggang sa katapusan. Paging dapatin din ang kalinis-linisang Puso ni Maria, gayon din ng Maluwalhating patriarka San Jose, na iharap at ialay sa Inyo ang paghahandog na ito at ipaalala sa amin sa lahat ng araw ng aming buhay.

Mabuhay ang Puso ni Hesus, Hari nami't Ama.


LITANIYA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS
Panginoon, maawa Ka sa amin
Kristo, maawa Ka sa amin
Panginoon, maawa Ka sa amin
Kristo, pakinggan Mo kami
Kristo, pakapakinggan Mo kami
Diyos Ama sa langit, maawa Ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa Ka sa amin
Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin
Santisima Trinidad, iisang Diyos, maawa Ka sa amin
Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang hanggan sinapupunan, maawa Ka sa amin
Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng Inang Birhen
Puso ni Hesus, na nakikipag-isang tunay sa Berbo ng Diyos
Puso ni Hesus, na walang hanggang kamahalan
Puso ni Hesus, tahanang mahal ng Diyos
Puso ni Hesus, luklukan ng kataas-taasan
Puso ni Hesus, bahay ng Diyos at pinto ng langit
Puso ni Hesus, maalab na siga ng pag-ibig
Puso ni Hesus, sisidlan ng katarungan at pag-ibig
Puso ni Hesus, puspos ng kabutihan at pag-ibig
Puso ni Hesus, batis ng langit ng kabanalan
Puso ni Hesus, Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri
Puso ni Hesus, Hari at sakdalan ng lahat ng mga puso
Puso ni Hesus, sisidlan ng dilang kayamanan ng karunungan at pagkaalam
Puso ni Hesus, tahanan ng buong pagka-Diyos
Puso ni Hesus, kinabuhusan ng buong pagkalugod ng Ama
Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nabahaginan kaming lahat
Puso ni Hesus, hangarin ng mga bulubunduking walang hanggan
Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain
Puso ni Hesus, kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo
Puso ni Hesus, bukal na kabuhayan at kabanalan
Puso ni Hesus, kabayaran ng aming mga kasalanan
Puso ni Hesus, tigib ng karuhaginan
Puso ni Hesus, na nasugatan ng dahil sa aming mga kasalanan
Puso ni Hesus, na masunurin hanggang kamatayan
Puso ni Hesus, na pinaglagusan ng sibat
Puso ni Hesus, batis ng tanang kaaliwan
Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli
Puso ni Hesus, kapayapaan at pakikipagsundo namin
Puso ni Hesus, na inihain ng dahil sa aming mga kasalanan
Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga umaasa sa Iyo
Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namatay sa Iyong grasya
Puso ni Hesus, ligaya ng mga Santo

Kordero ng Diyos na nakakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, patawarin Mo po kami Panginoon namin. (Maawa Ka sa amin)

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng Sandaig-digan, pakapakinggan Mo kami Panginoon namin.

Kordero ng Diyos na nakakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan, maawa Ka sa amin.

V. Hesus na mababang-loob at maamong Puso

R. Gawin mo po na ang aming mga puso ay matulad sa Puso Mo.

PANALANGIN
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, tunghayan Mo ang Puso ng lubhang iniibig Mong Anak at ang mga pagpupuri at pagbabayad ng kanyang inihahandog sa Iyo, sa ngalan ng mga makasalanan at ng mga naghahangad magkamit  ng Inyong awa, maglubag nawa ang Iyong loob at marapatin Mong ipagkaloob sa aming ang kapatawaran, alang-alang din kay Hesukristong Panginoon namin, kasama ng Espiritu Santo magpasa walang hanggan. Siya Nawa.

1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria patungkol sa mga nalalayong kaanib ng angkan.


ARAW-ARAW NA PAGPAPANIBAGONG PAGHAHANDOG NG ANGKAN
Katamis-tamisang Hesus, buong kababaang-loob kaming naninikluhod sa Inyong paaanan, na nagpapanibagong-alay ng aming angkan sa Inyong Dakilang Puso. Kayo po nawa'y maging hari namin magpasawalang hanggan. Sa Inyo, kami ay may buong pagtitiwala. Nawa'y ang Inyong Espiritu ay maghari sa aming mga diwa, hangarin, salita't gawa. Bendisyunan po Ninyo ang aming mga gawain, makibahagi Kayo sa aming mga kaligayahan, mga tiisin at pagpapagal. Ipahintulot po Ninyong lalo namin kayong makilala, ibigin Kayo ng higit at maglingkod sa Inyo nang walang panlalamig.

Sa  pamamagitan ng kalinis-linisang Puso ni Maria, Reyna ng Kapayapaan, itatag po Ninyo ang Inyong kaharian sa aming bansa. Mamayani po Kayo sa aming mga angkan at ariin po Ninyo sila; sa pamamagitan ng pagluklok ng kamahal-mahalang Puso ni Hesus at nawa'y sumapit agad ang panahon, na iisang hikbi ang maririnig mula sa mga tahanan. Nawa'y ang matagumpay na Puso ni Hesus, ay ibigin sa lahat ng dako purihin at luwalhatiin magpakailanman. Karangalan at luwalhati sa mga kamahal-mahalang Puso ni Hesus at Maria.

"Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, pangalagaan po Ninyo ang aming mga angkan.

PAGHAHANDOG NG ANGKAN SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

Oh, kalinis-linisang puso ni Maria, Reyna na Puso ni Hesus at Reyna ng aming tahanan, bilang pag-alinsunod sa masidhing nasang ipinahayag mo sa Fatima, inihahandog namin sa iyo ang aming sarili at isinasamo naming ikaw ang maging Reyna ng aming angkan.

Maghari ka sa bawat isa sa amin at ituro mo sa amin kung paanong ang Puso ng iyong Banal na Anak ay maghahari sa ito at sa pamamagitan mo.

Maghari ka sa amin, pinkaiibig naming Ina, nang kami ay maging iyo, sa kasaganaan at karalitaan, sa ligaya't kalumbayan, sa kalusugan at sa karamdaman, sa buhay at kamatayan, O lubhang maawain puso ni Maria, Reyna ng mga Birhen, ingatan mo ang aming puso't diwa, upang huwag dampian ng kahalayan na labis mong ipinagdalamhati sa Fatima. Nais naming maging malinis na katulad mo, nais naming mabayaran ang maraming pagkakasala laban kay Hesus at laban sa Iyo. Nais naming maghari sa aming tahanan, sa mga tahanan ng aming bansa at ng buong digdig, ang kapayapaan ni Kristo, na nasasalig sa katarungan at pag-ibig.

Kaya nga ipinangangako naming tularan ang iyong mga kabanalan, sa pagtataglay ng buhay-kristiyano, na walang pag-aatubili sa sukat masabi ng tao. Binubuo namin sa loob ng pagtanggap ng pakikinabang, sa bawat unang Sabado ng Buwan, at ihahandog namin sa Iyo ang Rosaryo ng aming angkan sa araw-araw lakip ang aming pagpapakasakit, bilang pagbabayad-puri at wagas na pagsisisi.

Sa mga kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ni Maria dangal sa luwalhati magpakailanman. Siya Nawa.

ABA PO SANTA MARIANG HARI

Aba po Sana mariang Hari Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhaya't katamisan; aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawagan namin, pinapanaw ng taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin ng aking pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo po sa amin ang mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos maawain at maalam at matamis na Birhen.

V. Ipanalangin mo Kami, Santang Ina ng Diyos.

R. Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, mapasa amin ang kaharian Mo (5x)
Kalinis-linisang Maria, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Ipanalangin mo kami.
Santa Maria Margarita, Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz at mga kasama, , Ipanalangin ninyo kami.


PAGHAHARI NI KRISTO

Ating ipagbunyi paghahari ni Kristo
Sa bawat isipan at puso ng tao
Kanyang hinihintay ang ating pagbabago 
Upang ating kamtin ang buhay na walang hanggan.

At itinuro Nya ang pagmamahalan
Pag-ibig sa isa't isa'y 
Kanyang inaasahan
Kaya't ating sundin dakilang hangarin
Paghahari ni Kristo ay atin ng purihin.

Ngayon kaming lahat sa iyo'y umaawit
Na mayroong pag-ibig
Salamat sa iyo, salamat o Kristo
Ang diwa Mo'y nasa pamayanang Kristiyano.

Ang paghahari mo sa ami'y naging tanglaw
Sa dating buhay na walang kasing panglaw.
Kaya kaming lahat, ay handang magbago
Makasalanang Kristiyano'y nagbabalik-loob

Panalangin sa Alas Tres ng Hapon

Pumanaw Ka, Hesus, 
subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong 
para sa mga kaluluwa 
at ang Karagatan ng Awa 
ay bumugso para sa sanlibutan. 

O Bukal ng Buhay,
Walang Hanggang Awa ng Diyos,
yakapin Mo ang sangkatauhan
at ibuhos Mong ganap
ang Iyong sarili para sa aming lahat.

"O Banal na Dugo at Tubig,
na dumaloy mula sa Puso ni Hesus,
bilang Bukal ng awa para sa aming lahat.
ako ay nananalig sa Iyo."

"Banal na Diyos, 
Banal na Puspos ng Kapangyarihan,
Banal na Walang Hanggan,
maawa po Kayo sa amin
at sa buong sansinukob." Amen. (3x)

O Hesus, Hari ng Awa,
kami ay nananalig sa Iyo!

Ang Santo Rosaryo

PAMAMARAAN NG PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO
1. Mag-antanda; sabihin ang mga Panimulang Panalangin at ang Sumasampalataya.
2. Dasalin ang Ama Namin.
3. Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria para sa karagdagang Pananampalataya, Pag-asa, Pagkakawang-gawa.
4. Dasalin ang Luwalhati.
5. Ipahayag ang Misteryo.
6. Dasalin ang Ama Namin at isusunod ang sampung Aba Ginoong Maria.
7. Dasalin ang Luwalhati at ang Panalangin ng Fatima.
8. Ipahayag ang susunod na Msteryo at ulitin ang hakbang bilang 6-7.
9. Dasalin ang Aba Po Santa Maria.
10. Isunod ang Litanya ng Mahal na Birhen.
11. Dasalin ang Pangwakas na Panalangin.


MGA PANALANGIN SA PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO

Pag-aantanda ng Krus
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen!

Panimulang Panalangin
Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
N: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.
L: At purihin ka ng aking bibig.
N: Diyos ko, tulungan mo ako.
L: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.
N: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
L: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen!

Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon magmumulang paririto't huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin
Ama Namin, Sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasa-amin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin; at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen!

Luwalhati
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen!

Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen!

Panalangin ng Fatima
O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong awa.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Aba Po Santa Mariang Birhen
Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa,ikaw ang kabuhayan at katamisan, aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin, ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ay ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Ang Litanya ng Mahal na Birhen
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit,
maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo,

maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos,
maawa ka sa amin.

Santa Maria,
*Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos*
Santang Birhen ng mga birhen*
Ina ni Kristo*
Inang puspos ng biyaya ng Diyos*
Inang kalinis-linisan*
Inang walang kamalay-malay sa kasalanan*
Inang kasakdal-sakdal*
Inang walang bahid*
Inang pinaglihing walang kasalanan*
Inang kaibig-ibig*
Inang kahanga-hanga*
Ina ng Laging Saklolo*
Ina ng mabuting kahatulan*
Ina ng Maylikha*
Ina ng Mananakop*
Ina ng Banal na Iglesya*
Birheng kapaham-pahaman*
Birheng dapat igalang*
Birheng lalong dakila*
Birheng makapangyarihan*
Birheng maawain*
Birheng matibay na loob sa magaling*
Salamin ng katuwiran*
Luklukan ng karunungan*
Simula ng tuwa namin*
Ssidlan ng kabanalan*
Sisidlan ng bunyi at bantog*
Sisidlang bukod ng mahal na loob na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos*
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga*
Tore ni David*
Toreng garing
Bahay na ginto*
Kaban ng tipan*
Pinto ng Langit*
Talang maliwanag*
Mapagpagaling sa mga maysakit*
Tanggulan ng mga kasalanan*
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati*
Mapag-ampon sa mga Kristiyano*
Reyna ng mga Anghel*
Reyna ng mga Patriarka*
Reyna ng mga Propeta*
Reyna ng mga Apostol*
Reyna ng mga Martir*
Reyna ng mga Kumpesor*
Reyna ng mga Birhen*
Reyna ng lahat ng mga Santo*
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal*
Reynang iniakyat sa langit*
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo*
Reyna ng kapayapaan*

Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,
Pakinggan mo po kami.

Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan,
Pakapakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit,
Kaawaan mo kami.

Manalangin Tayo
O Diyos na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo po, isinasamo namin sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

N: Sumaatin nawa ang banal na pagtulog.
L: Amen.
N: Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao sa awa ng Diyos.
L: Amen.
N: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo, lumukob nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.
L: Amen.

Ang mga Misteryo ng Tuwa 
(Tuwing Lunes at Sabado)
1. Ang Pagpapahayag ng  Balita sa Mahal na Birheng Maria
2. Ang Pagdalaw nng Mahal na Birhen kay Elisabet.
3. Ang Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.
4. Paghahandog ng Sanggol na si Hesus sa Templo.
5. Ang Pagkatapo ng Batang si Hesus sa Templo.

Ang mga Misteryo ng Liwanag
(Tuwing Huwebes)
1. Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Jordan.
2. Ang Sariling Pagbubunyag ni Hesus sa Kasalan sa Cana.
3. Ang Pagpapahayag ni Hesus Tungkol sa Paghahari ng Diyos sa Salita at Gawa
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor
5. Ang Pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya

Ang mga Misteryo ng Hapis
(Tuwing Martes at Biyernes)
1. Ang Pagdurusa sa Halamanan ng Getsamani
2. Ang Paghahampas sa ating Panginoon sa Haliging Bato
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
4. Ang Pagpapasan ng Krus Patungong Kalbaryo
5. Ang Pagpapako sa Krus at Kamatayan ng Panginoon

Ang mga MIsteryo ng Luwalhati
(Tuwing Miyerkules at Linggo)
1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoon
2. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon.
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Birheng Maria
4. Ang Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birhen, Kaluluwa pati Katawan
5. Ang Kaluwalhatian ng Lahat ng mga Banal, Kasama si Maria bilang Reyna

Tuesday, October 30, 2012

Di Na Mauulit

Totoo pala yung sinasabi nila na "minsan ka lang magmamahal sa buhay mo." Dahil kapag nakita mo na yung pagmamahal na yun sa isang tao, hindi na yun pedeng maulit sa kaparehong intensidad o kaparehong degree sa panibagong tao. 

Ang gara, pero totoo pala talaga na minsan ka lang magmamahal ng ganun katindi at di na yun mauulit at hindi mapapantayan o malalagpasan. Kumbaga, pag dumating na yung minsan na iyon sa buhay mo kung saan naging todo bigay o todo pato ang ginawa mo para sa pagmamahal na iyon, at kung sakali na hindi iyon nagtagumpay sa maraming kadahilanan, kung iibig ka mang uli, hindi mo na mararamdaman yung ganung klaseng pakiramdam na naramdaman mo duon sa minsang iyon. Magulo ba? Oo maski ako naguluhan. Pero dahil dun napatunayan ko, na mahirap na nga na magmahal ako ulit ng ganun, at hindi ko na ulit magawa pang magmahal ng tulad nuon.

Kaya naisip ko, pano kaya kung wag na lang ako magmahal ulit? Dahil dun sa "minsang" pagmamahal na iyon, di na ko naka move-on. Nawala na sya pero naiwan pa din ako kung saan kami naghiwalay. Swak sa balde yung kantang "The Man Who Can't Be Moved" sa kung ano yung sitwasyon ko. Ewan ko ba! Ilang beses ko na sinubukan na magmahal ulit, magkaron ng panibagong buhay na malayo sa anino ng kahapon na iyon, ngunit lagi na lang akong bigo. Sa sobrang lalim ng hukay na nagawa nya sa buhay ko, kahit ilang truck na ng lupa ang itinambak ko, di pa din nito magawang takpan ang butas na ginawa nya sa buhay ko. Mahirap ba talaga lumimot? Kahit na yung tao na iyon ay sinaktan ka lang at pinaasa sa maraming pagkakataon? Tuloy, sa bawat taong hinahayaan kong pumasok sa buhay ko, sa pag-aakalang kaya ko magmahal ulit, nakakasakit lang ako. Dahil di maglalaon, muli na naman akong hahabulin ng aninong pilit ko ng kinalimutan. 

Masaya ako na masaya na sya kung nasan man sya ngayon, kahit na ako, eto, patuloy pa ding hinahanap yung katahimikan at kakuntentuhan na matagal ko ng inaasam. Minsan pag nabuburyong ako, gusto ko sya sumbatan na bakit kasi hindi sya bumalik nun panahon na pinaglaban ko sya, e di sana, kami ang masayang magkasama ngayon. Pero pag nahihimasmasan ako, sinasabi ko na lang sa sarili ko na siguro nga, hindi talaga kami ang magkapalad. Wala eh, ganun ata talaga. Magmamahal tayo either sa maling tao o sa maling pagkakataon, at minsan sa parehong sitwayon na ito. 

So pano na ngayon? Saan na naman ako pupulutin? Maglalakad na naman ba ulit ako palayo? Pipiliin ko na naman ba ulit mag-isa? Ewan. Hindi ko alam. 


Saturday, October 27, 2012

Dasal ng Paggaling sa Sakit at Pagbabagong Diwa

Ama naming nasa langit, na Siyang naghugis at lumikha ng aking katawan,
kung saan nakahantong, namamahay at nabubuhay ang aking diwa,
ipaalam Ninyo po sa akin, sa ngalan ni HESUS,
na ang kalusugan ng aking katawan ay nasa aking pag-iisip,
na ang kakulangan nito na nakikita ngayon sa aking katawan
ay dahil na rin sa aking maling paghangad,
at maling pagsagawa ng Inyong banal na batas pang sanlibutan.

Ako,_______ (sabihin ang pangalan), ay humihingi ng tawad, mahal na Hesus,
sa aking mga kamalian. Ipinapangako kong magbabalik-loob sa Inyo.
Kung may kakulangan man ang aking katawan nang ako ay ipinanganak,
Ito ay dahil sa katauhan namin at hindi sa kapangyarihan Ninyo.

Ipaalam Ninyo sa akin, sa ngalan ni Hesus,
na ang Inyong kapangyarihang lumikha,
na naghugis ng aking katawan, ay naririto pa rin sa aking kalooban,
sa aking pag-iisip, handang magsilbi sa ano mang oras kailangan.

Ipaalam Ninyo po sa akin na ako, sa kalayaan ng aking isip,
ay may patnubay sa kapangyarihang ito na nasa akin kalooban,
na kaya kong utusang gamutin ang aking katawan,
kung totoo ngang ang aking isip at kalooban ay nakahantong sa Inyo.

Sa ganitong pag-iisip,
TINATAWAGAN KO ANG INYONG KAPANGYARIHANG LUMIKHA
na nasa aking kalooban, O Panginoong Diyos, sa ngalan ni Hesus,
na gamutin at alisin ang lahat ng aking sakit at kakulangan.

ALAM KO AT INAASAHAN KO NA ANG PANIBAGONG BUHAY
AY NAGSISIMULA NANG UMUSBONG SA AKING KALOOBAN,
dahil ang Inyong pagmamahal, habag at biyayang gumagamot
ay nasa bawat bahagi ng aking katawan,
sa bawat selula, hibla, sangkap at hayag,
laoo na sa aking _____________ (sabihin ang mga sakit).

Hantong sa aking paningin at PANANAMPALATAYA SA INYO
DIYOS KONG MAKAPANGYARIHAN, TAGALIKHA AT PANGINOON,
SA NGALAN NI HESUKRISTO, ANAK NG INANG MARIA
sa tulong ni MOTHER IGNACIA DEL ESPIRITU SANTO,
at sa lahat ng Inyong mga Santo
AKO AY GAGALING. Amen, amen, amen.

Tuwing ika-walo ng umaga, maghanap ng isang tahimik na lugar. Ibigay ang kalooban kay Hesus sa ngalan ng Kanyang Mahal na Inang Maria. Taos puso at marahang basahin ang dasal na ito. Ihayag ang pagnanasang gumaling nang lubos. Ito ang iyong sariling dasal na isa't-isa kay Hesus, na lulupig sa inyong mga sakit.
Sister Raquel, RVM, with Jesus

Pagkatapos magdasal, manatiling tahimik nang 15 hanggang 20 minuto at isipin ang pagtanggap ng biyaya ng Panginoon. Kausapin ang Panginoon ng tahimik.

Friday, October 26, 2012

Panalangin para sa mga Yumao

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panalangin ng Pagsisisi

       Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang lahat ng pagkakasala ko sa iyo, na Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig ko nang  higit sa lahat.

       Nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala sa Iyo at magsisikap na magkumpisal ng lahat ng kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa krus ng dahil sa akin. Siya Nawa.

       Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami'y matutong sumunod sa Iyo nang buong puso. Walang nagtiwala sa Iyo na nabigo, simula ngayon, buong puso kaming susunod sa Iyo sasamba at magpupuri sa Iyo. Huwag mo kaming biguin yamang Ikaw ay maamo at mapagkalinga. Kahabagan mo kami at saklolohan. Muli mong iparanas sa amin ang Iyong kahanga-hangang pagliligtas at sa gayo'y muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.

Awit ng 3 Kabataan 1:17-20

Rosaryo ng Paghihirap

       Buksan mo Panginoon ko ang aming mga labi, papag-alabin mo ang aming loob at linisin mo ang diwa namin sa mga mahahalay at likong akala. Tanglawan mo ang aming kaisipan, papagningasin ang aming mga puso upang sa gayon aming magunam-gunam ng buong taimtim ang kamahal-mahalan mong hirap na pinagdadaanan at pati ng iyong mga sakit ng kamatayan.
       Nais din naming gunitain ang mga kapaitang dinalita ng Iyong Mahal na Ina at dapat dinggin sa harap ng Iyong dakilang kamahalan, ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo sa lahat ng panahon. Siya Nawa.

(Ang Pinaka-Ama Namin)
       Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin mo ng mata mong maamo ang mga kaluluwa ng mga binyagang nangamatay na, at ang kaluluwa ni ______________ ng dahil sa amin at sa kanya ay nagpakasakit ka at namatay sa krus. Siya Nawa.

(Ang Pinaka-Aba Ginoong Maria)
(1) Hesus ko, alangang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis ng manalangin ka sa halamanan.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(2) Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na mukha.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(3) Hesus ko, alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis. 
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(4) Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumimo sa kabanal-banalan mong ulo.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(5) Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang krus ay iyong pinapasan.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(6) Hesus ko, alang-alang sa kabanal-banalang mukha mo na naliligo sa dugo at iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(7) Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinunit at hinubad sa Iyong katawan ng mga tampalasan.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(8) Hesus ko, alang-alang sa kabanal-banalan mong katawan na napako sa krus.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(9) Hesus ko, alang-alang sa Iyong kamahal-mahalang mga paa at kamay na pinaglagusan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(10) Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at ito ay binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.

(Ang Pinaka-Luwalhati)
Namumuno: Pagkalooban mo siya Panginoon ng pagpapahingang walang hanggan.
Tugont: Liwanagan mo siya nang di magmaliw mong ilaw.
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa Kapayapaan.
Tugon: Siya Nawa.

Paghahain
       Katamis-tamisang Hesus, sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, inibig mong magkatawang tao sa sinapupunan ng Mahal na Birhen. Unang tumulo ang Iyong banal na dugo nang Ikaw ay binyagan sa templo ng Herusalem. 
       Nang sumapit ang takdang panahon ikaw ay nangaral, nagpakita ng magandang halimbawa ng pag-ibig, nagpagaling sa mga maysakit, nagpabangon ka ng mga patay, at Iyong itinuwid ang mga maling aral sa templo, sa pagtutuwid mong ito, ikaw ay kanilang kinapootan, inalipusta ng mga hudyo, ikaw ay napasakamay nila dahil sa pagtataksil at paghalik ni Hudas, ginapos ka ng lubid at nilapastangan sa harap nila Anas, Pilato, Herodes at Kaypas. 
       Sa harap nitong mga Hukom ikaw ay niluran, sinaktan, sinampal, inalimura, tinadtad ng sugat ang iyong banal na katawan sa hampas ng suplina, pinutungan ng koronang tinik at tinakpan ang iyong mukha ng isang purpura, bilang pagpapalibhasa ng mga kaaway, nang sila ay nagsawa na ng ganitong mga parusa, ikaw ay dinala sa bundok ng Golgota tulad ng isang  korderong walang sala.
       Pagkatapos mong pasanin ang mabigat na krus, ikaw ay ibinayubay at ipanagitna sa dalawang magnanakaw, upang palabasin na isa sa kanila. Nang ikaw ay mauhaw dahil sa tindi ng sugat sa katawan, ikaw ay pinainom, ngunit ang ibinigay sa Iyo ay suka na may kahalong apdo. Pagkaraan ng mahabang pagdurusa sa ibabaw ng krus, ikaw ay namatay. At upang matiyak na Ikaw ay isa nang bangkay, inulos ni Longlino ang Iyong tagiliran at doon ay bumukal ang masaganang dugo at tubig, na panghugas sa kasalanan ng sangkatauhan.
       Nang dahil sa Iyong mga hirap, kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, iligtas mo po ang kaluluwa ni _________________ na namatay.
       Papaging dapatin mo po siya sa Iyong walang hanggang kaharian at ibilang sa pulutong ng mga banal, Ikaw na nabubuhay at naghahari ng kasama ng Ama at ng Espiritu Santo sa lahat ng panahon. Siya Nawa.

Maganda kang tunay O Mariang walang kadungis-dungis.

(Magkukrus ng 3 ulit)

+ Aba anak ng Diyos Ama, Aba Ina ng Diyos Anak, Aba Esposa ng Espiritu Santo
+ Aba Simbahang mahal ng Santisima Trinidad
+ Aba Inang kalinis-linisan na ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal.


Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Maylikha ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasa-lanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Litaniya sa Mahal na Birheng Maria


Namumuno:                                                                 Sagot:

Panginoon, maawa Ka sa kanya                                     Panginoon, maawa Ka sa kanya
Kristo, maawa Ka sa kanya                                            Kristo, maawa Ka sa kanya
Panginoon, maawa Ka sa kanya                                     Panginoon, maawa Ka sa kanya
Kristo, pakinggan mo siya                                              Kristo, pakinggan mo siya
Kristo, pakapakinggan mo siya                                       Kristo, pakapakinggan mo siya
Diyos Ama sa langit                                                        Maawa Ka sa kanya
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan                            Maawa Ka sa kanya
Diyos Espiritu Santo                                                      Maawa Ka sa kanya
Santisima Trinidad tatlong persona sa Iisang Diyos       
         Maawa Ka sa kanya

Santa Maria                                                               *Ipanalangin mo siya
Santang Ina ng Diyos*
Santang Birhen ng mga birhen*
Ina ni Kristo*
Ina ng grasya ng Diyos*
Inang kasakdal-sakdalan*
Inang walang malay sa kahalayan*
Inang di malapitan ng masama*
Inang walang bahid ng kasalanan*
Inang kalinis-linisan*
Inang kaibig-ibig*
Inang kataka-taka*
Ina ng mabuting kahatulan*
Ina ng May Gawa ng Lahat*                                                                         
Ina na magpag-adya*
Birheng kapaham-pahaman*
Birheng dapat igalang*
Birheng dapat ipagbantog*
Birheng makapangyayari*
Birheng maawain*
Birheng matibay ang loob sa magaling*
Salamin ng katuwiran*
Luklukan ng karunungan*
Simula ng tuwa namin*
Sisidlan ng kabanalan*
Sisidlan ng bunyi at bantog*
Sisdlang bukod na kusang loob na masunurin sa Panginoong Diyos*
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga*
Tore ni David*
Toreng garing*
Bahay na ginto*
Kaban ng tipan*
Pinto ng langit*
Talang maliwanag*
Mapagpagaling sa mga maysakit*
Sakdalan ng mga makasalanan*
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati*
Mapag-ampon sa mga Kristiyano*
Reyna ng mga anghel*
Reyna ng mga propeta*
Reyna ng mga apostol*
Reyna ng mga martir*
Reyna ng mga kompesor*
Reyna ng mga birhen*
Reyna ng lahat ng mga santo*
Reynang ipininaglihi ng walang salang orihinal*
Reynang iniakyat sa langit*
Reyna ng kasantu-santusang rosaryo*
Reyna ng kapayapaan*
Reyna ng mga pamilya*

Namumuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tugon: Patawarin mo po siya Panginoon.
Namumuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan.
Tugon: Pakapakinggan mo po siya Panginoon.
Namumuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan.
Tugon: Kaawan mo po siya Panginoon.
Namumuno: Ipinanalangin namin siya Panginoon.
Tugon: Nang siya ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

       Hesus, Maria, Jose, Hesus na kahanga-hanga, Mariang Ina ng Awa, Jose na mapagpala, kayo na po ang mag-ampon at kumalinga sa alipin ninyong aba ng hindi mapasama sa impyerno. 
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

Namumuno: Pagkalooban mo po siya Panginoon ng pagpapahingang walang hanggan.
Tugon: At liwanagan mo po siya Panginoon ng di magmaliw mong ilaw.
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Tugon: Siya Nawa.

Panalangin
       Inihahabilin namin sa Iyo, o Panginoon ang kaluluwa ni ____________ na sa pagpanaw niya dito sa lupa, iyo pong ipatawad ang kanyang buhay at alang-alang sa Iyong habag, loobin Mong manatili siya sa Iyong banal na kaharian. Siya Nawa.
       O Panginoon naming Hesus, alang-alang sa Iyong kahirapan, kaawaan Mo ang kaluluwa ni ________________ at ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

Namumuno: Pagkalooban mo po siya Panginoon ng pagpapahingang walang hanggan.
Tugon: At liwanagan mo po siya Panginoon ng di magmaliw mong ilaw.
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Tugon: Siya Nawa.

Para sa Maybahay at sa Lahat ng Narito
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati

       Mahal na Birhen ito pong aming hain, di man dapat ay tanggapin, ang kaluluwa namin, kaawaan at ampunin, sa kamatayang darating, sa wakas ng buhay namin, sa langit mo po pagpalain. Siya Nawa.

       Pagpalain mo po kami't ampunin Diyos na Panginoon namin, igawad mo po sa amin ang Iyong tulong, pagpalain ang aming bahay at kaming lahat na namamahay. Iligtas mo kami sa lakas ng lindol, sa karahasan ng lintik, sa sunog, sa tubig, sa hangin at sa lahat ng makakasama sa amin, alang-alang na po sa katamis-tamisan ngalan ng anak mong si Hesus. Siya Nawa.

      Salamat po sa Iyo Panginon naming Diyos, kami'y sinapit mo sa mahal na hapon, sapiting muli sa mahal mong umaga, bigyan ng buhay, lakas, kababaang-loob, pagtitiis, matutong umibig at maglingkod sa Iyo, Panginoon naming Diyos. Siya Nawa.

       Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria Ina ng Diyos maawain at maalam at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos.

Tugon: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga Pangako ni Kristong Panginoon. Siya Nawa.

Namumuno: Ang Pagpapala ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at ng Mahal na Birheng Maria, igawad mo sa amin at amin nawang tamuhin.

Tugon: Siya Nawa.

Namumuno: Kamahal-mahalang puso ni Hesus.
Tugon: Maawa ka sa amin.

Namumuno: Kalinis-linisang puso ni Maria.
Tugon: Ipanalangin mo kami.

Namumuno: San Juan
Tugon: Ipanalangin mo kami.

Namumuno: San Jose
Tugon: Ipanalangin mo kami.

Namumuno: San Lorenzo Ruiz at mga kasama
Tugon: Ipanalangin ninyo kami.

Namumuno: Mga anghel at arkanghel ng Diyos.
Tugon: Tulungan ninyo kami.

Namumuno: Hesus Hari ng Awa!
Tugon: Kami ay nananalig sa iyo.

Namumuno: O krus ni Kristong kabanal-banalan.
Tugon: Iligtas mo kami sa lahat ng kasamaan.

Namumuno: Kalinis-linisang puso ni Maria.
Tugon: Ipanalangin mo kami ngayon at sa oras ng aming kamatayan.

Namumuno: San Pedro Calungsod.
Tugon: Ipanalangin mo kami.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Saturday, October 20, 2012

How the Catholic Mass is based on the Holy Bible

• Opening blessing Mt.28:19
• Apostolic greeting 2 Cor 13:14

• Amen 1 Chr 16:36b
• The Lord be with you. Lk 1:28; Thess 3:16; Ruth 2:4
• Lord have mercy. Mt.17:15, 20,:31; Ps. 123:3
• Glory to God Lk 1:28; plus many text in Revelation
• Alleluia Rev 19: I-6; Tob 13:18
• Lift up your hearts Lam 3:41

• Holy, holy, holy Rev 4;8; Is 6:3; Mk 11:9 -10: Ps 188:26
• Eucharistic prayer 1 Cor 11:23 - 26; Mt 26: 26 - 28; Mk 14: 22 -24; Lk 22:17 - 20
• The great amen Rev 5:14
• The Lord's prayer Mt 6:9 - 13
• Peace be with you Jn 14:27: 20 - 19
• Lamb of God Jn. 1:29; Rev 5:6 and else where
• This is the Lamb of God....Rev 19:19
• Lord I am not worthy... Mt:8:8
• Go in Peace Lk 7:50; 2 Chr 35:3
• Thanks be to God 2 Corn 9:15

Add to these the congregational hymns, whose lyrics are usually biblical, and you'll find that ---short of just reading the Bible aloud for an hour
---- the Mass couldn't get more biblical.


Source: www.facebook.com/Empoweringindiancatholics