Friday, September 21, 2012

Desiderata

Go placidly amid the noise and the haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant, they too have their story. Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit.

If you compare yourself with others, you may become vain or bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans. Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time.

Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let not this blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism. Be yourself. Especially do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass. Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth.

Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself. You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore, be at peace with God, whatever you conceive Him to be. And whatever your labors and aspirations in the noisy confusion of life, keep peace in your soul. With all its sham, drudgery and broken dreams; it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.

HUMAYO kang mapayapa sa gitna ng ingay at pagmamadali, at alalahanin mo kung anong kapayapaan mayroon sa katahimikan. Hanggat maaari, ng walang pagsuko, maging mabuti ang pakikitungo mo sa lahat ng tao. Ipahayag mo ang iyong katotohanan ng tahimik at buong linaw; at makinig ka sa iba, maging sa mga kabagot-bagot at mangmang; sila man ay mayroon ding sariling salaysay.

IWASAN mo ang maiingay at mapupusok na tao; sila ay mga pang-inis sa isip. Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, maaari kang maging palalo o may sama ng loob, sapagkat lagi nay mayroong mas nakahihigit at mas nakabababang mga tao kaysa sa iyo.

MASIYAHAN ka sa iyong mga nakamtan gayundin sa iyong mga balakin. Manatili kang interesado sa iyong sariling hanapbuhay, gaano man kababa; Itoy isang tunay na pag-aari sa pabago-bagong kapalaran ng panahon.

GAWIN mo ang pag-iingat sa iyong mga gawaing pangkalakal, sapagkat ang daigdig ay tigib ng panlilinlang. Subalit huwag mo itong bayaang bumulag sa iyo sa kung anong kabutihan ang mayroon dito; maraming tao ang nagpupunyagi tungo sa matataas na hangarin, at kahit saan ang buhay ay puno ng kabayanihan.

IKAW ay maging ikaw. Lalot higit ay huwag mong dayain ang pagmamahal. O di kayay maging mapag-alinlangan ka tungkol sa pag-ibig; sapagkat sa harap ng lahat ng kahugkagan at pagkasuklam, itoy kasing-tatag ng mga damo.

Tanggapin mo ng may kagandahang loob ang payo ng mga taon, buong kagitingang isinusuko ang mga bagay ng kabataan. Alagaan mo ang lakas ng pag-iisip upang ipananggalang laban sa madidilim na kaisipan. Marami sa mga pangamba ay hatid ng pagod at kalungkutan. Sa kabila ng isang mabuting disiplina, maging mahinahon ka.

IKAW ay anak ng sanlibutan, hindi hamak kaysa mga puno at mga bituin; may karapatan kang maparito. At maging ito man ay malinaw o hindi sa iyo, walang alinlangan na ang sanlibutan ay umiinog gaya ng nararapat nitong gawin. Kung gayon, maging mapayapa ka sa piling ng Diyos, anuman ang iyong pananaw tungkol sa Kanya. At anuman ang iyong mga pagpapagal at mithiin, sa maingay na kalituhan ng buhay, pamalagiin mo ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.

SA KABILA ng kanyang mga pagkukunwari, pagkaalipin at gumuhong mga pangarap, itoy isa pa ring magandang daigdig. Maging maingat ka. Pagsumikapan mong maging maligaya.


--- Max Ehrmann, 1927

No comments:

Post a Comment