I just realized..matagal na panahon ko pa lang kinulong ang sarili ko sa isang sitwasyon na pipigil sa akin para maging masaya..dahil akala ko.iyon ang makakapagpasaya sa kin..sabi ko nga...di ko alam kng in love pa din ako...o in love na lang ako sa idea ng love...
Minsan, kelangan na makaranas muna tayo ng masakit na sitwasyon bago natin marealize na kelangan na natin bumitaw sa isang bagay na patuloy lang na nagpapahirap sa atin..at minsan, tayo din ang gumagawa ng sitwasyon na ikalulungkot natin..dahil patuloy tayong kumakapit sa isang ideya na gawa-gawa lang natin...patuloy nating pinagkakasya ang sarili natin sa isang sitwasyon na hindi naman tayo magiging kumpletong masaya..pero pde naman pala tayo maging masaya kung matututunan lang natin tanggapin na minsan, may mga bagay na hindi talaga sa atin..gaano man natin ito kagustong manatili sa buhay natin..
Don't settle for anything less...what if you're just wasting your time with the wrong person..yan ang dalawang bagay na natutunan ko sa matagal na panahong pakikibaka ko sa larangan ng pag-ibig at ng realidad ng buhay...minsan, kailangan nating subukang kalagin ang tanikala na nagkulong sa tin sa mga bagay na patuloy lang nagpapahirap satin...minsan akala natin di natin makakaya..pero pag nagawa na natin dun natin mararamdaman yung kalayaan at kapanatagan na matagal na panahon nating ipinagkait sa sarili natin...
Ang tao, parang lapis..habang tinatasahan nagiging kapaki-pakinabang..nawawala man ang parte ng sarili natin ngunit nag-iiwan naman tayo ng marka sa bawat bagay na madaanan natin..minsan, hindi din masama magkamali..dahil dun tayo natututo at lumalago..meron namang pambura eh..binibigyan tayo ng pagkakataon na burahin ang mga bagay na nagawa nating mali at itama ito...at higit sa lahat, there's someone up there who is holding us..at Sya ang bahalang guguhit ng magagandang larawan sa pamamagitan natin...basta matutunan lang nating magtiwala sa Kanya ng buong-buo..walang labis at walang kulang.
Sa tamang panahon..lahat ng ninanais ng puso natin ay magkakaron ng kaganapan...at naniniwala ako..sa tamang panahon..sasaya din ako..sasaya din ako ulit... :)
No comments:
Post a Comment