Saturday, July 23, 2011

Sabi-sabi sa tabi-tabi ni Tutubi: Topic #3 KILIG (by aekarghe)


I just read a blog about kilig.. The title of that blog is. "Namimiss mo na bang kiligin?" The author says that she heard those statement mostly to those who are already in a relationship or married for 5 years and up. Those people are saying that they are loving but they are no longer in-love. Wala na yung kilig factor, yun bang feeling na tumatambol ang dibdib mo pag nakikita mo yung someone special mo. Yung feeling ng excitement at extraordinary happiness pag magkasama kayo.

Sa ngayon, marami kasi nagsasabi na pag nakikita nila ako.. kumukuti-kutitap daw ang mata ko.. palagi daw ako nakangiti.. maganda ang aura at "blooming". And even sa special someone ko, may mga ganun comments dn sa kanya. Pag magkasama kami sobrang ang saya ko. Makareceive lang ako ng text mula sa kanya napapngiti ako habang nagbabasa. Minsan naabutan nila ko na nakangiti habang nagluluto. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya.. o kahit nga marinig ko lang ang boses nya. Kinikilig ako sa mga simpleng gestures nya, yun saglit na pagpunta nya sa table ko, patagong hawak ng kamay tapos kindat bago umalis (natatawa ako habang sinusulat ko to), yung isang oras na sabay kami kakain ng lunch, yung mga saglit na tawag para mangumusta kung ok pa ba o kung nagmerienda na.. lahat ng yun.. sobrang nakakapagpakilig sa kin.. during and after each moments.. even kapag mag-isa na lang ako.

Sabi ko nga, I want  this feelings to last long.. kung pede nga.. hanggang sa tumanda na kami. Ewan ko, sana nga, kahit na umabot na kami ng ilang taon, yung love na meron kami at especially yung pinong kilig na yun na nararamdaman namin sa ngayon na naguumpisa pa lang kami... ay patuloy naming maramdaman. Naniniwala ako na may factor yung kilig na ito sa isang relasyon. And I know it's up to us on how we will keep this love burning even after 10 or 20 years. Alam ko wala imposible.. sa dalawang pusong totoong nagmamahalan.. ^_^